Mangyaring mag-camping nang responsable.
Sundin ang Camper’s Code.

Ang Kodigo ng Camper ay may 9 na patakaran na super easy sundin. Kapag sinunod ito ng lahat ng campers, ang mga mabubuting bagay na ito ay mangyayari:

  • Ang camping ay patuloy na magbibigay-kaligayahan sa lahat

  • Ang kalikasan ay mananatiling malinis at maganda

  • Ang mga táong nagka-camping sa parehong lugar ay magiging magkaibigan

  • Ang mga hayop ay mananatiling mabangis at malaya

 
CampersCode_CampfireIllustration.jpg

Ang Kodigo ng Camper


Magplano sa gagawin at maging handa

Respetuhin ang wildlife

Ang maaari mo lamang kunin ay mga retrato

Kontrolahin ang iyong mga alagang-hayop

Respetuhin ang iba

Mag-ingat sa apoy

Itago ang pagkain sa ligtas na lugar

Respetuhin ang staff at ang mga karatula

Huwag magkalát 

Respetuhin ang wildlife

Ang lumapit at magpakain sa wildlife ay hindi mainam para sa mga hayop, para sa kanilang buhay, at posible rin para sa iyo. Ang wildlife ay tinatawag na wildlife dahil nga dapat sila wild o mabangis. 

Huwag pakainin o lapitan ang mga mababangis na hayop

Hayaan ang mga hayop na gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga hayop—tulad ng paghanap ng kanilang sariling pagkain at gumala nang walang nanonood sa kanila. Maraming mga hayop ang nagiging stressed o defensive kapag sila'y nilalapitan.

Gumamit ng binoculars o largabista upang mag-obserba mula sa malayo

Magpanatili ng magalang na distansya mula sa wildlife upang obserbahan ang kanilang mga natural na kilos. Mamangha sa kanila nang ligtas at mula sa malayô gamit ang largabista.

BC Parks Wildlife Safety

Parks Canada Wildlife Watching


Magplano sa gagawin Maging handa

Kaligtasan muna—kahit na ikaw ay nagka-car camping o pupunta ka sa isang lugar na talagang accessible. Hindi mo alam kung ano ang maaaring mangyari sa mga ligaw na lugar. Manatiling ligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa tatlong T: Trip Plan (Magplano para sa Trip), Train (Magsanay), Take the essentials (Dalhin ang mga bagay na kakailanganin mo).

Trip Plan (Magplano para sa Trip)

Magpasiya kung saan ka pupunta at kung gaano ka katagal sa iyong trip. Ibigay mo ang iyong plan sa isang táong pinagkakatiwalaan mo—para kung sakaling hindi ka bumalik sa tamang panahon, alam nila kung saan dapat magpapunta ng tulong.

Train (Magsanay) (at alamin ang iyong mga kayang gawin)

Kumuha ng impormasyon at skills na kakailanganin mo para sa terrain na iyong pupuntahan. Alamin at manatili sa loob ng iyong mga hangganan o mga kayang gawin. Ang mga táong hindi handa ay maaaring magipit sa mga mahihirap na sitwasyon. Hindi laging mabuti ang kalalabasan ng mga mahihirap na sitwasyon.

Take the essentials (Dalhin ang mga bagay na kakailanganin mo)

Gaano man kaikli ang iyong camping adventure, laging dalhin ang mga bagay na kakailanganin mo. Inirerekomenda namin ang: 

  • Flashlight/headlamp + karagdagang bateriya

  • Kit para makagawa ng apoy

  • Signalling device (píto, mirror, atbp.)

  • Karagdagang pagkain at tubig

  • Karagdagang kasuotan

  • Navigation/communication devices (mapa, compass, GPS, atbp.)

  • First aid kit

  • Emergency blanket/shelter

  • Pocket knife

  • Proteksyon sa araw

  • Kasuotang tama para sa panahon at sa sport

Ang Tatlong T ng AdventureSmart


Ang maaari mo lamang kunin ay mga retrato

Kung ang isang bagay ay hindi sa iyo, huwag ito kunin. Ang kalikasan at ang buong kagandahan nito ay para sa kasiyahan ng lahat. Mangyaring iwanan at huwag istorbohin ang mga natural na bagay. Ang ibig namin sabihin ay mga mushroom (kabuti), mga bulaklak, at pati na mga kahoy. Kung nakikita mo ito sa kalikasan at talagang gustong-gusto mo ito, kunan lamang ito ng retrato at iwanan ito sa kalikasan.


Kontrolahin ang iyong mga alagang-hayop

Mahal natin ang ating mga alagang-hayop. Pero maaari rin silang magkaroon ng masamáng epekto sa trails, maaari silang makainis sa mga bisita sa park, maaari nilang makontamina ang mga likas na yaman, at maapektohan ang wildlife. 

Alamin kung saan maaaring magpunta ang iyong mga alagang-hayop

Mag-research bago magpunta at dalhin ang iyong mga alagang-hayop sa mga parke na maaaring puntahan ng mga alagang-hayop.

Ilagay sa bag ang dumi ng iyong hayop
Pulutin ito at ilagay ito sa supot. Bawat beses.

Panatilihing kontrolado ang iyong alagang-hayop

Panatilihing nasa leash ang iyong alagang-hayop para sa kanilang kaligtasan at sa kaligtasan ng wildlife. Alalahanin ang ibang mga camper; hindi lahat ay mahilig sa mga alagang-hayop.

Mga aso sa mga protektadong lugar ng Parks Canada

Mga alagang-hayop sa BC Parks


Respetuhin ang iba

Ang ilang mga tao ay nagca-camping dahil tahimik at walang ingay. Ang iba naman ay nagpupunta para magsayahan ang pamilya. Ang ilan naman ay nagpupunta upang magpatugtog ng musika at magrelax. Respetuhin ang iyong mga kapitbahay sa camp at panatilihing mababa ang level ng ingay at tuparin ang mga nakapaskil na oras ng katahimikan.


Mag-ingat sa apoy

Iwasan ang mga wildfire na dulot ng tao sa pamamagitan ng pagpraktis ng tatlong simple (at talagang mahahalagang) patakaran sa kaligtasan sa campfire:

Respetuhin ang fire bans (kung kailan bawal magsindi ng apoy)

Kung may campfire ban, huwag kailanman gumawa ng campfire.

Huwag kailanman iwanan ang apoy nang walang nagbabantay dito

Kung hindi mo mababantayan ang apoy, patayin ito. 

Patayin nang husto ang mga apoy

Ang ibig sabihin nito'y dapat walang nagbabaga at dapat ito'y malamig kapag hinipo. 100% patay ang apoy.


Itago ang pagkain sa ligtas na lugar

Ang pagkain at mga bagay na may amoy ay maaaring makaakit sa mga mababangis na hayop. Maaaring masaktan ang isang tao at maaaring mapatay ang wildlife kapag inaakit ang mga mababangis na hayop. Itago ang lahat ng pagkain sa isang lalagyan na hindi mabubuksan ng wildlife o sa isang sasakyan na may matigas na kaha.

WildSafe “Bare” Camping


Respetuhin ang staff at ang mga karatula

Ang staff at mga karatula ay naririto upang makatulong. Sundin sila nang ang lahat ay maaaring manatiling ligtas.


Huwag magkalát

Hindi cool at hindi dapat magkalát kahit kailan. Never. Ilagay ang lahat ng basura sa mga markadong basurahan/waste bins. Kung walang basurahan, maawa sa iba at i-pack ito. 

 

Take the pledge - Manumpa (at ssabihin ito sa iba!)

Isang panunumpa ng campers para sa campers.


Kapag isinulat mo ang iyong pangalan at contact information sa ibaba, opisyal kang nangangako na mag-camp nang responsable at na sundin ang Kodigo ng Camper.
Name
Oo! Nais kong makatanggap ng Camper’s Code sticker.

*Kapag nanumpa ka sa Camper’s Code, idaragdag ka rin namin sa aming mailing list. Hindi namin kailanman ibabahagi sa iba ang iyong impormasyon at maaari kang mag-unsubscribe kahit kailan.